-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Umapela sa Integrated Provincial Health Office (IPHO-Cotabato) ang Cotabato District Jail sa Barangay Amas, Kidapawan City na sana mabakunahan ang mga nakapiit persons deprived of liberty (PDL).

Sa Rehiyon-12 tanging Cotabato District Jail ang hindi pa nabakunahan kontra Coronavirus Disease (Covid-19.)

Sinabi ni Jail Warden, Jail Chief Inspector Joe Anthony Gargarita na nauna na silang nakipag-ugnayan sa DOH at IPHO pero wala pa umanong alokasyon para sa mga PDL.

Sa ngayon ay isang PDL ang nagpositibo sa rapid test pero na-contain na ito at na-quarantine at hindi na kumalat pa sa mga kapwa inmate nito.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagtanggap ng mga bisita maliban lang sa mga ibibigay na pagkain ng pamilya ng mga inmate na kailangan munang idaan sa disinfection bago iabot sa kanila.

Sa mga BJMP personnel naman ay may 21-days duty scheme silang sumusunod kung saan bawal silang lumabas sa loob ng 21 araw habang naka-duty.

Ito ay bahagi pa rin ng kanilang COVID-19 measures lalo pa at high risk ang mga inmate sakaling kumalat ang virus sa loob ng kulungan.

Apila ni Gargarita na sana ay mabigyan na ng allocation ang mga PDL.