CENTRAL MINDANAO – Tiniyak ni Cotabato Governor Nancy Catamco na kahit siya ay suspindido siniguro nito ang pagpapatupad ng lahat ng mga prayoridad at mga proyekto sa probinsya.
Inaasahan na raw niya ang kanyang suspension order mula sa Sandiganbayan na isinilbi ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Prayoridad daw Catamco ngayon ang dagdag sweldo sa mga contract service at sa mga job order na mga nurses at ibang professional health service providers sa provincial at mga district hospitals.
Gayundin ang paglalagay sa mga nabakanteng posisyon sa mga pagamutan upang maipahatid ang tamang serbisyong medikal sa mamamayan ng probinsya.
Pangatlo ang dagdag allowances na matatanggap ng mga Barangay Health Workes (BHW), Barangay Nutrition Scholars at mga Day Care Workers.
Pang-apat, ang paglagay daw ng additional air-conditioning units at ibang pasilidad sa lahat ng mga ospital para sa mga pasyente, pagtatag ng Malasakit center at ang pagposeso ng mga dokumento ng Central Airport.
Dagdag pa ni Catamco, ang pag-implementa ng suspension order ay hindi raw matatawag na penalidad bagamat sinusunod lamang ang legal na proseso.
Inamin ng opisyal na siya ay nasaktan at dismayado dahil hindi naman totoo ang akusasyon laban sa kanya at nangyari umano ito noong 2004 na hindi pa sya opisyal ng probinsya.
Isang NGOs umano ang nagsampa sa kanya ng kaso sa ibang lugar at hindi taga-North Cotabato.
Maituturing daw ni Catamco na walang merito ang kasong isinampa sa kanya at pawang paninira lamang.
Naniniwala rin si Catamco na maipapatupad ng maayos ni Acting Governor Emmylou “Lala” Mendoza ang mga prayoridad at mga proyekto sa probinsya sa panahon na siya ay suspindedo lalo’t na katuwang niya si Senior Board Member Shirlyn Macasarte Villanueva na uupong bise-gobernadora.
Sa ngayon ay patuloy na naghahanda ang legal team ni Catamco para sagutin lahat ang kasong isinampa laban sa kanya sa Sandigangbayan.