CENTRAL MINDANAO-Nakiisa sa pagdiriwang ng Special Geographic Area 4th Founding Anniversary na bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.
Ito ay ginanap kahapon sa Brgy. Nabalawag, Midsayap II, SGA kung saan personal na nagpaabot ng kanyang pagbati si Governor Mendoza sa mga opisyal at nasasakupan ng nasabing lugar.
Ipinaabot din ng ina ng lalawigan na handa itong makipagtulungan sa pamunuan ng BARMM lalo na kung ito ay may kinalaman sa usaping pangkapayapaan at kaunlaran ng 63 barangay na dating sakop ng probinsya.
Nasa nasabi ring pagtitipon si BARMM Ministry of Basic, Higher Technical Education (MBHTE) Mohager M. Iqbal, SGADA Administrator Butch P. Malang, BTA BARMM Member of Parliament Mohammad Kellie U. Antao, BARMM Senior Minister Abdulrauf A. Macacua, at iba pang opisyal ng BARMM.