CENTRAL MINDANAO-Nakiisa si Cotabato Governor Nancy Catamco sa panawagan ng mga Rice Farmers sa National Government na irepaso ang Rice Tariffication Law sa idinaos na Farmer’s forum sa Barangay Bagontapay Mlang Cotabato.
Kasama ang maliliit ng mga Rice farmers ay nagkaroon ng talakayan tungkol sa pagbaba ng bilihan ng palay ngayon sa buong bansa.
Sa pagpapaliwanag ni Vice Mayor Joselito Pinol na nasa P12.00 na lamang ang bilihan ng mga palay ngayon, kaya ang labis na nakakaawa ay ang mga maliliit na magsasaka. Dahilan umano dito ay ang pag-aangkat ng Gobyerno ng bigas mula sa ibang bansa.
Sinisingil na rin ng mga Farmers ang umanoy mahigit isang taon nang ipinangako ng Department of Agriculture na P10 Bilyon para sa subsidiya ng mga magsasaka, mga makinarya, imprastraktura, mga binhi, abuno, hanggang sa mga uras na ito, ay hindi pa rin dumarating.
Samantala, kasama si Gob. Nancy Catamco, Mayor Russel Abonado, Vice Mayor Joselito Pinol, ay sabaysabay silang lumagda ng isang manipesto para iparating kay pangulong Rodrigo Duterte ang hinanaing ng mga rice farmers.
Bukod sa pagrepaso ng RTL, ay ang pag-upgrade ng rice mills para maging dekalidad ang bigas, mabigyan sila ng mataas na kalidad ng binhi, pagkakaroon ng mechanical harvesters, pagsasaayos ng Irrigation system, subsidiya sa abono.
Naniniwala ang Gobernador na ang National Government ang dapat tututok sa problema ng mga magsasaka dahil ang pundo ng Probinsya ay limitado lamang.
Positibo naman ang Gobernador na makakarating sa National Government ang kanilang panawagan, at sigurado itong diringgin ito ng mahal na Pangulo. Batid ng Gobernador na ang mga magsasaka ay ‘backbone ng ating ekonomiya’ kaya aniya ay hindi sila dapat maghihirap.
Kanina bilang mabilisang tugon sa kahilingan ng mga magsasaka, nagbigay ang DA-XII ng 10 Collapsible dryers, at nag-commit din silang magbigay ng 10 rice Thresher.
Kasama ng Gobernador sa pagpupulong si BM Dra. Krista Piñol-Solis, DA RFO XII Mike Intao, Col Mundala 90 IB, PD PCol Henry Villar.