-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isang public forum kung saan kalahok ang matataas na opisyal ng pamahalaan kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at mga development partners mula sa iba’t ibang sektor sa buong bansa ang dinaluhan ni Cotabato Governor at kasalukuyang SoCCSKSarGen Regional Development Council (RDC) Chairperson Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza upang pag-usapan ang mga socioeconomic transformations sa pamamagitan ng Philippine Development Plan Forum 2023-2028 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos, espesyal nitong binati ang RDC Chairpersons mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa at sinabing palalawakin ang tungkulin at partisipasyon ng mga ito sa mga pagplaplano ng National Economic Development Authority (NEDA) at maging sa pangkalahatang ekonomiya ng bansa.

Nagpahayag din ng malaking tiwala ang pangulo sa mga RDC Chair na tinawag nitong “stonework group of political leaders” na ayon sa kanya ay magbibigay boses sa pangangailangan ng kani-kanilang nasasakupan.

Naroon din sa nasabing forum ang mga Gabinete ng bansa bilang bahagi ng panelists sa gagawing forum. Para sa Plenary Session 1: Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, Secretary Ivan John Uy ng Department of Information and Communications Technology, Energy Secretary Raphael Perpetou M. Lotilla, Trade & Industry Secretary Alfredo E. Pascual, Tourism Secretary Christina Fresco, Mr. George T. Barcelon ng Philippine Chamber of Commerce & Industry (PCCI), at Mr. Henry Aguda ng Digital Infrastructure Lead, Private Sector Advisory Council.

Mga panelists naman sa Plenary Session 2 ang sumusunod: Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma, Department of Health OIC-Secretary Maria Rosario S. Vergeire, OIC-Secretary Eduardo M. Punay, Department of Social Welfare & Development; Governor Dakila Carlo Cua, Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) President, at Fr. Francis Lucas, Governing Board of Director ng Federation of People’s Sustainable Development Cooperative.

Kasama ring dumalo ni Gov. Mendoza si Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Partylist Representative Raymond Democrito Mendoza.