CENTRAL MINDANAO-Masaya si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa matagumpay na pagdaos ng Cotabato Private Schools Athletic Association (COPRISA) Meet 2023 sa Kidapawan City.
Ang mga pribadong paaralan na lumahok sa nasabing aktibidad ay kinabibilangan ng Notre Dame of Kidapawan College (NDKC), Southern Baptist College (SBC), Southern Christian College (SCC), Notre Dame of Midsayap College (NDMC), Central Mindanao Colleges (CMC), I-Link College of Science and Technology, North Valley College Foundation Incorporated, Colegio De Kidapawan (CDK) at Kidapawan Doctors College Incorporated (KDCI).
Kasama ang ilang mga representante ng iba’t-ibang private schools mula sa probinsya, personal na nagpaabot ng kanilang pasasalamat ang mga guro sa suporta na ibinigay ng probinsya sa nasabing aktibidad.
Ayon kay Governor Mendoza, masaya ito na makita ang muling pagbabalik ng mga sports competition sa lalawigan matapos itong maantala dulot ng pandemya. Aniya, patuloy na makikipagtulungan ang pamahalaang panlalawigan sa paghubog ng mga talento at kakayahan ng bawat kabataang atleta sa lalawigan ng Cotabato.