-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tumanggap ng parangal mula sa Golden Globe Annual Awards bilang Outstanding Filipino Achiever 2022 sa larangan ng public service si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.

Ginanap ang 15th Year Grand Awards Night sa Manila Hotel Fiesta Pavilion Grand Ballroom, One Rizal Park, Manila City.

Buong puso namang nagpasalamat si Mendoza sa lahat ng Cotabateño sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maibahagi ang kanyang oras, talento at galing sa larangan ng serbisyo publiko at bilang isang lingkod bayan.

Kabilang din sa pinarangalan na kasama ni Governor Mendoza sina Vice President Sara Z. Duterte-Carpio, Senator Christopher Lawrence “Bong” Go at Dinagat Island Governor Nilo P. Demerey, Jr.

Kung matatandaan noong buwan ng Agosto ay tumanggap rin ng Outstanding Alumnus Award ang gobernadora mula sa Department of National Defense-National Defense College of the Philippines at National Defense College of the Philippines Association Inc. dahil sa naging kontribusyon nito sa larangan ng pambansang seguridad at kaunlaran bilang isang local chief executive ng lalawigan ng Cotabato.