-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sa layuning matutukan at mapalakas ang suporta sa pagpapaunlad ng kultura sa lalawigan, isang pagpupulong ang isinagawa sa opisina ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza.

Inilahad ni Governor Mendoza ang mga gagampanang tungkulin ng bawat myembro ng board na nakabatay sa kanyang nilagdaan na Executive Order No. 04, series of 2023 “An Order Reconstituting the Museyo Kutawato Development Board, Defining Its Function and for Other Purposes.”

Ang nasabing hakbang ay isa sa mga inisyatibo ni Mendoza na mapangalagaan ang Museyo Kutawato at mapreserba ang mayamang kultura ng lalawigan.

Ang mga miyembro ng nasabing grupo ay kinabibilangan nina SP Committee Chairman on Education, Culture and Tourism, Hon. Joseph A. Evangelista, Provincial Administrator Aurora P. Garcia, Indigenous People Representative Mr. Jerry Angga, Moro Representative Ms. Bai Farida Pendatun, Civil Society Organization Representatives Ms. Jocelyn Taray and Ms. Grace Lonzaga, Academe Representatives Mr. Zenrad Khan V. Gepte and Ms. Shiela Marie R. Mearns at Arts and Culture Representative Dr. Pauline Jabido-Lencioco.