CENTRAL MINDANAO-Sa pagbubukas ng Agri Fair o Market- Market sa Kapitolyo agad na bumisita si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa mga booths ng ibat-ibang Munisipyo sa The Basket Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.
Sari-saring mga agricultural products kung saan sagana sa kanilang mga bayan ang ibinida ng mga micro at macro entrepreneurs kasama ang kanilang Local Government Units (LGU) upang lubos pang makilala ang kanilang mga produkto hindi lamang sa karatig bayan kundi pati na rin sa buong bansa.
Isa sa mga isinusulong ni Governor Mendoza ay ang pag tangkilik sa mga produktong gawa sa ating lalawigan kaya agad itong nag-ikot kasama ang ilang mga board members upang ipakita ang kanilang suporta at personal na makilala ang mga ipinagmamalaki ng ibat-ibang bayan.