-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakaranas ng matinding pagbaha ang mga bayan ng Midsayap,Libungan,Pigcawayan,Aleosan at Pikit Cotabato dulot ng halos magdamag na malakas na buhos ng ulan.

Sa bayan ng Midsayap nasira ang mga irrigacation canal at umapaw ang mga kailugan kaya lubog sa baha ang mga mababang Barangay.

Agad namang kumilos si Midsayap Mayor Rolly “Ur the man”Sacdalan kasama ang mga kawani ng MDRRMO at inalam ang sitwasyon ng mga lugar na sinalanta ng baha.

Nagpadala ng mga heavy equipment ang Alkalde sa mga binahang lugar para magsagawa ng dredging operation sa mga irrigation canal na bumara o mababaw na para maibsan ang baha.

Kasabay rin na nagsagawa ng Comprehensive Drainage Plan ang LGU-Midsayap at mga stakeholders para planuhin kung paano malutas o maibsan ang nararanasang pagbaha sa bayan.

Tiniyak naman ni Mayor Sacdalan na makatatanggap ng tulong sa lokal na pamahalaan at sa Provincial Govt sa pamumuno ni Governor Emmylou”Lala”Mendoza ang mga pamilyang naapektuhan ng baha.

Habang kumikilos na rin si DSWD 12 Regional Director Loreto”Nonoy”Cabaya para sa dagdag na tulong sa mga sinalanta ng baha sa Cotabato Province.

Matatandaan na pati bahay ni RD Cabaya sa Barangay San Mateo Aleosan Cotabato ay makailang beses nang pinasok ng baha.

Maliban sa bayan ng Midsayap ay binaha rin ang mga mababang lugar lalo na sa gilid ng ilog sa Pigcawayan,Libungan,Aleosan at Pikit Cotabato.