CENTRAL MINDANAO-Bagamat may tatlong suspected case ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa Kabacan Cotabato at inaantay na lamang ang laboratory result nito, hinikayat ni Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang mga magulang at residente ng bayan na mag-ingat at panatalihin ang kalinisan.
Ayon sa alkalde, batay sa datos ng Department of Health Region 12, higit 70 cases ang naitala sa lalawigan ng Cotabato para lamang sa buwang Enero hanggang unang linggo ng Pebrero 2023.
Dahil dito, hinikayat ni Mayor Gelyn ang mga Barangay ng bayan katuwang ang kanilang mga Barangay Health Workers na magsagawa ng monitoring sa kanilang mga nasasakupan at ipagbigay alam agad sa tanggapan ng Rural Health Unit kapag may sintomas na nakita.
Ilan sa mga sintomas ng HFMD aypulang rashes na walang pangangati na nakikita sa bunganga, paa, kamay, paa, at sa may puwit. Madalas na tinatamaan nito ay mga sangol o maliliit na bata.
Tiniyak naman ni Mayor Gelyn na nakahanda ang tanggapan at RHU katuwang ang Integrated Provincial Hospital sa pangunguna ni Cotabato Governor Emmylou TaliƱo-Mendoza sa ano mang posibleng mangyari.