-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Abot sa P15,744,000.00 ang naipamigay sa mass distribution ng honorarium na isinagawa ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng liderato ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza para sa mga Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNS).
Ang mga frontliners ay mula pa sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cotabato ay tumanggap ng 4,000 pesos bawat isa. Sa kalahatan, 3204 BHW at 732 BNS ang tumanggap ng honorarium sa kanilang serbisyo sa komunidad mula Abril hangang Hulyo 2022.
Pinangunahan ng Integrated Provincial Health Office kasama ang Provincial Treasurer’s Office ang nasabing aktibidad na ginanap sa Covered Court, Capitol Compound Barangay Amas Kidapawan City.