CENTRAL MINDANAO-Kasabay sa pagdiriwang ng International Womens Month ngayong buwan ng Marso, binigyang pugay ni Cotabato Vice- Governor Emmylou “lala” Taliño Mendoza ang mga babaeng lider ng probinsya sa ginanap na 77th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan.
Nagbigay ng kani-kanilang mga mensahe ang mga babaeng Board Members ng probinsya kung saan inihayag ng bawat isa ang mga papel ng ginagampanan sa lipunan, kahalagahan at karapatan bilang isang babae sa lipunan. Unang nagbigay ng kanyang mensahe si Board Member Rose Cabaya kung saan kanyang binigyang diin ang kahalagahan ng isang babae at karapatan sa lipunan na ating ginagalawan. Aniya, “Mag- uban ta to fight Womens Right”. Sumunod naman si Board Member Ivy Dalumpines kung saan binigyang pugay niya ang mga babaeng guro dahil sa kanilang dedikasyon at hindi pagsuko sa mga hamon sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa ating mga mag- aaral. Ayon naman kay Board Member Shirlyn Macasarte ” every women should be the voice of voiceless” na aniya’y dapat maging boses para sa lahat.
Binigyang diin rin ni Board Member Krista Piñol- Solis ang pagka pantay-pantay ng bawat isa sa papel na ginagampanan sa lipunan na aniya ay “This is not about the battle of sexes! We are not just Women”. Nagbigay rin ng mensahe si Hon. Sarah Joy Simblante sa mga kapwa SK Officials ng probinsya, Youth Organization, at ilan pang mga Youth Leaders na may malaking papel na ginagampanan sa paglaban sa covid-19 pandemic. Inilahad din ni Board Member Dulia Sultan ang kanyang mga naisagawa bilang isang representante ng mga Barangay Captains sa probinsya ng Cotabato.
Kasama rin sa selebrasyon at nabigyan ng pagkakataon na magbigay ng mensahe sina USM-BOR at Alumni President Ma’am Yvonne Saliling, Hon. Judge Lily Lydia A. Laquindanum President of Southern Philippines Methodist College Framer Mella at Former President of the IBP- North Cotabato Atty Emma Ferenal- Andano, dumalo rin ang ilang mga kababaihang Municipal Councilors ng bawat bayan na nakiisa at binigyang pugay sa selebrasyon.
Lubos naman ang pasasalamat ng Bise- Gobernadora sa naging kooperasyon ng mga kababaehang lider ng probinsya at hinikayat pa nito na mas lalo pang pagbutihin ang serbisyo bilang isang pinuno.