CENTRAL MINDANAO-Malaking hamon para sa mga guro ang School Year 2020-2021 kung saan kakaharapin nila ang maraming pagsubok.
Ito ang sinabi ni Cotabato Vice Governor Emmylou “Lala” Talino-Mendoza sa ika-29 anibersaryo ng President Roxas Adventist Academy of Cotabato, Inc.
Ayon sa Bise Goberndora, ito ay dahil na rin sa pandemiya ng Covid19 kung saan iba’t-ibang mga pagsubok at hamon ang kakaharapin ng mga guro.
Kaya naman hinimok niya ang mga guro ng PRACCI na lalo pang pag-ibayuhin ang kanilang pagtuturo at pinuri rin ang mga ito dahil sa buong pusong pagtuturo sa kabila ng hirap na dulot ng pandemiya.
Inihalimbawa ni Bise Gobernadora Talino-Mendoza ang ipinatutupad na blended learning bilang sistema sa pagtuturo kung saan kailangan pang ihatid ang mga modules at kolektahin pagtapos sagutan ng mga mag-aaral.
Kaugnay nito, natuwa naman ang mga guro ng PRACCI pati na ang ilang mga mag-aaral at magulang na nakipagdiwang sa mahalagang okasyon.
Pinasalamatan nila ang bise-gobernadora sa pagbibigay sa kanila ng panahon at sa pakikiisa nito sa kanilang hangaring makapagbigay ng kalidad na edukasyon.