CENTRAL MINDANAO- Namahagi muli ng libreng transistor radios para sa mga mag-aaral ng public elementary schools sa bayan ng Midsayap Cotabato si Cotabato Vice Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza
Katatapos lamang mamahagi ng Bise-Gobernadora ng mga radyo kasama ang Serbisyong Totoo Team sa mga paaralan sa nabanggit na bayan.
Hindi bababa sa 100 mga radyo ang naipamahagi sa mga paaralan na mapupunta naman sa mga mag-aaral para gamitin ngayong School Year 2020-2021 kung saan kabilang ang radio-based learning.
Bahagi ito ng pagsisikap ni Vice Gov Taliño Mendoza na tulungan ang mga mag-aaral ng elementarya at maging sa high school na makasabay sa blended learning system na ipatutupad ng DepEd.
Kasama sa paamamahagi ng transistor radios sina Vice Mayor Manuel Rabara, dating Cotabato Board Member Rolly Ur da Man Sacdalan, Midsayap Municipal Councilor Clai Marquez Ostique na siyang Committee Chair on Education ng Sangguniang Bayan at dating Municipal Councilor Totong Montenegro.
Samantala, ay namahagi rin ng transistor radio si VG Mendoza sa mga eskwelahan sa Alamada Cotabato.
Naging kinatawan ni VG Mendoza sa pamamahagi nito sa nabanggit na bayan si Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Sarah Joy Simblante.
Maliban sa Midsayap namahagi rin ng libreng transistor radios ang Serbisyong Totoo Team at kabilang dito ang mga bayan ng Pigcawayan, Aleosan, Kabacan, President Rojas, Magpet, Makilala, at iba pa.