CENTRAL MINDANAO – Nagbahagi ng kanyang kaalaman si Cotabato Vice-Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa isinagawang DOST XII Stakeholders Forum para sa ikatlong distrito ng probinsya.
Ito ay ginanap sa 8th Avenue Convention Hall, Kayaga, Kabacan, Cotabato.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina Department of Science and Technology Regional Director Engineer Sammy Malawan at ni DOST Provincial Director Michael Mayo na layuning makapagbigay ng dekalidad na pamumuhay sa pamamagitan ng agham, teknolohiya at makabagong pamamaraan sa pagtuklas ng solusyon na nakabase sa etikal at wastong serbisyo publiko.
Malaki naman ang ipinakitang suporta ng bise-gobernadora sa kanilang mga plataporma upang mapadali ang pang araw-araw na buhay lalo’t higit sa kinakaharap na COVID-19 pandemic.