Ganyan ang saloobin ng maraming mga taga North Cotabato hinggil sa karangalan natamo ni North Cotabato Vice Governor Emmylou ‘Lala” Taliño Mendoza sa kanyang pagtatapos ng Master in National Security Administration, o MNSA, sa National Defense College of the Philippines.
Ang naturang masteral study ay tumagal mula July 17, 2020 hanggang August 5.
Ang MNSA ay naka-sentro sa tinatawag na regional security at development studies at malawakang pag intindi kung paano maka-tugon sa mga community peace and security issues.
Bihira sa mga local executives ang nagkakaroon ng pagkakataong maka-MNSA study sa National Defense College of the Phillipines.
Unang bumati kay Vice Gov. Mendoza sa kanyang matagumpay na pagtatapos ng MNSA si Cotabato Ist District Senior Board Member Shirlyn Macasarte Villanueva.
Ang karangalang nakamit ni Vice Gov. Mendoza ay karangalan ng buong probinsya, lalo na ng mga kakabaihan, pahayag ni BM Macasarte-Villanueva sa mga nagtanong ng kanyang reaksyon sa naturang accomplishment ng bise-gobernadora.
Ganun din ang paniniwala ni Amalia Jayag-Datukan, isang retiradong regional director ng Department of Agriculture-12.
Napag-alaman na ang isa sa mga taga-payo ni Vice Gov. Mendoza sa pag-aaral sa National Defense College of the Philippines ay ang kilalang Moro peace advocate at abugadong si Suharto “Teng” Ambolodto, miyembro ng Bangsamoro Transition Authority, o BTA.
Ang BTA ay kilala din bilang interim parliament ng Bangsamoro region.
Kabilang sa mga nagpaabot ng pagbati sa bise-gobernadora ang ilang mga residente ng 63 barangays sa probinsya ng Cotabato na sakop na ngayon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Si Vice Gov. Mendoza ay masigasig na sumusuporta sa prosesong pangkapayapaan ng Mindanao Moro sector at ng Malacañang na naglalayung matuldukan na ang “Moro issue” na anim na dekada nang bumabagabag sa bansa.