CENTRAL Mindanao – Ibinahagi ni North Cotabato Vice Governor Emmylou ‘Lala’ Taliño-Mendoza na maari ng magparehistro bilang botante gamit lamang ang mobile phone.
Ayon kay VG Mendoza hindi ibig sabihin na dahil may pandemya ay isasawalang bahala na din ang right to suffrage, o karapatang bomoto tuwing may halalan.
Dagdag pa ni Mendoza dapat na samantalahin ng mga residente ng probinsya ng Cotabato na umabot na ng 18-anyos na magpa-register na sa Commission on Elections (Comelec) gamit ang kanilang mga cellphone.
Nagpapasalamat naman si Mendoza sa Comelec sa innovation na ito na makakatulong rin upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Aniya, sa tradisyunal na registration process kasi ay ginu-grupo ang mga registrants na pinagbabawal ngayon dahil sa coronavirus pandemic.
Sa mga nais makapagrehistro online, kailangan lamang i-download ang app nito sa bit.ly/MobileFormApp.
KInomperma rin ng Comelec-12 ang online voters registration ay nagsimula na noon Hunyo 15, 2021.