-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Matagumpay na idinaos ang kauna- unahang Mountain bike challenge na inorganisa ni Cotabatop Ist District Board Member Rosalie “Rose” Cabaya sa pakikipagtulungan ni Cotabato Vice-Governor Emmylou Taliño-Mendoza at Team Uhaw.

Ang naturang Mountain bike challenge ay nagsisimula sa Aleosan Municipal Gymnasium alas sais ng umaga na nilahukan nang mga cyclist mula sa PPALMA at mga piling cyclist mula sa iba’t-ibang probinsya na lumahok sa elite at ladies category.

Layunin naman ng aktibidad na ito na mas makilala pa ang bayan nang Aleosan.

Nagbukas din ito nang ibang categorya para sa married couple with marriage contract parent and child with birth certificate, Men in uniform, LGBT, at barangay officials na lalo pang ikinisaya nang mga cyclist.

Alinsunod naman sa ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan hiling din ni Vice-Governor Mendoza at Hon. Board Member Rose Cabaya na sundin ang “No Helmet, No Facemask, No Ride policy.