CENTRAL MINDANAO-Patuloy sa pamimigay ng libreng transistor radios si Cotabato Vice Govermor Emmylou “Lala” Talino-Mendoza upang magamit ng mga mag-aaral ngayong School Year 2020-2021.
Katunayan, katatapos lamng ng distribusyon ng mga transistor radio sa North at West School Districts ng Kabacan, Cotabato.
Abot sa 24 na mga elementary at high schools mula sa naturang mga distrito nakinabang sa nasabing distribution ng mga radio, ayon sa Serbisyong Totoo team na siyang nanguna sa aktibidad kung saan abot naman sa 120 transistor radios ang naibigay sa mga guro at magulang.
Nais ni Vice Governor Talino-Mendoza na maging handa ang mga kabataan partikular na ang mga nasa public elementary at high schools sa pagbubukas ng klase sa October 5, 2020.
Batid din niya na hindi normal ang sitwasyon ngayong School Year 2020-2021kung kaya’t mas kailangan raw na suportahan ang mga mag-aaral sa kanilang mga leksyon at asignatura.
Maliban naman sa transistor radios, namigay din ng mga health kits si Samantha Santos, anak ng bise-gobernadora sa layuning mapalakas pa ang minimum health protocols sa hanay ng mga guro.