CENTRAL MINDANAO-Taos-pusong binati ni Cotabato Vice Governor Emmylou “Lala” Talino-Mendoza ang mga guro sa Lalawigan ng Cotabato sa pagdiriwang ng National Teachers’ Day.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Vice Gov Talino-Mendoza na malaking hamon para sa mga guro ang kasalukuyang pandemiya kung saan malaki ang epekto sa Kagawaran ng Edukasyon.
Sa kabila nito, sinabi ng Bise Gobernadora na hanga siya sa dedikasyon at determinasyon ng mga guro sa buong lalawigan na walang ibang hangarin kundi maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral sa kabila ng banta ng Covid19 desease.
Kaugnay nito, sinabi niya na tuluy-tuloy lamang ang kanyang tanggapan sa pagbibigay ng ayuda sa mga guro lalo na ngayong nagsimula na ang School Year 2020-2021.
Una ng namahagi ang bise-gobernadora ng libreng mga bond papers at iba pang kailangan sa paggawa ng modules ganundin ang pagbibigay ng mga hygiene kit para sa mga guro upang mapalakas ang kampanya laban sa Covid19.