-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Malaki ang tiwala ni Cotabato Vice Governor Emmylou”Lala” Taliño Mendoza sa kakayahan ng kabataang Indigenous Peoples (IPs) sa probinsya ng Cotabato.

Sa kanyang mensahe sa mga katutubo sa Agri-Tech training sa Barangay Poblacion, Magpet, Cotabato, sinabi ng Bise-Gobernadora na may sapat na kakayahan ang kabataang IP sa larangan ng agrikultura at teknolohiya.

Kabilang sa naturang training ang mga IP youth mula Poblacion at ilang mga kalapit lugar at sumailalim sa livelihood skills development sa tulong ng 72nd IB at ng 1002nd IB ng Phil. Army na nakabase sa lugar, TESDA, at ni Magpet Municipal Mayor Florenito Gonzaga.

Sinabi ni Vice Gov Lala Mendoza na suportado niya ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng mga kabataang IP upang sila ay maging produktibong mga indibidwal at maging mabuting ehemplo sa komunidad.

Nagtagal naman ng 10 araw ang nabanggit na training na dinaluhan ng mula 40 hanggang 50 na kabataang IP.