-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagsimba muna si Cotabato Vice-Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza at sinundan ng Press Conference bago ito naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa tanggapan ng Commission on Election (Comelec) sa Barangay Amas Kidapawan City.

Tatakbong Gobernador si VG Mendoza at running mate nito si Cotabato Ist District Board Member Shirlyn Macasarte Villanueva bilang Bise-Gobernador.

Kasama ni Mendoza sa kanyang line-up ang kanyang anak na si Ms Samantha Taliño Santos, Congressional candidate sa ikatatlong distrito at Incumbent Congressman Rudy Caoagdan ng 2nd District ng Cotabato.

Mga kandidato bilang mga boardmembers sa una,ikalawa at ikatatlong distrito sa probinsya ng Cotabato,mga municipal mayors na pinangunahan ni dating Cotabato Ist District Boardmember at Midsayap Mayoralty candidate Rolly Sacdalan.

Bumuhos rin sa COC filing ni Mendoza ang lahat ng kanyang mga tagasuporta.

Nandoon rin ang presensya ng mga batikang mga Mambabatas na sina Board member Rosalie”Rose”Cabaya, BM Atty Roland Jungco,

,BM Jonathan Tabara, BM Joemar Cerebo,Ivy Dalumpines at iba pa.

Si Mendoza ay nagsilbing Sk Chairwoman, Board Member, Congresswoman, Governor at kasalukuyang Vice-Governor ng Probinsya ng Cotabato ay tatakbo sa ilalim ng Nacionalista Party.

Sa loob ng mahigit 30 taong panunungkulan ay ipagpapatuloy ni VG Mendoza ang Serbisyong Totoo sa mga Cotabateño.

Lumagda rin si Mendoza ng kasunduan para sa matiwasay at mapayapang darating na halalan.