CENTRAL MINDANAO- Pinag-iingat ngayon ni Cotabato Vice Gov. Emmylou “Lala”Taliño Mendoza ang mamamayan ng probinsya kontra sa mabagsik na Delta variant ng Coronavirus Disease (Covid-19).
Ayon kay VG Mendoza na dapat suportahan at sundin ng lahat ang mga programa ng municipal health offices at ng Integrated Provincial Health Office (IPHO-Cotabato) at ng mga provincial health officials laban sa pagkalat sa alinmang lugar sa probinsya ng delta variant ng coronavirus
Muling nagpaalala si Mendoza sa mga taga probinsya ng Cotabato ng Cotabato na makinig lang sa mga pahayag ng mga government at private anti-COVID-19 frontliners tungkol sa mga usaping hinggil sa delta variant ng coronavirus.
Naiulat na ng local at ng national media noong nakalipas na linggo na meron ng mga na-infect ng COVID-19 delta strain sa Tagum City sa Davao del Norte, sa Cagayan de Oro City sa Region 10, at sa ilang lugar pa sa Visayas at Metro Manila.
Sa ngayon ay hindi pa nakakapasok sa rehiyon-12 ang Delta Variant at pinaigting ang pagbabantay sa mga border checkpoint lalo sa probinsya ng Cotabato.