-- Advertisements --
ILOILO CITY – Inaresto ang mag-asawang Iloilo City Councilor Jojo Javellana at Punong Barangay Mary Tracy Javellana ng Loboc, Lapuz, Iloilo City dahil sa pagnanakaw ng kuryente.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Jose Val Ladulban, sinabi nito na nakatanggap ng warrant of arrest ang mag-asawang Javellana.
Nakapaloob dito ang kanilang paglabag sa Republic Act 7832 o Anti-Pilferage of Electricity and Theft of Electric Transmission Lines/Materials Act of 1994.
Ayon kay Ladublan, nahili mismo ng mga tauhan ng More Power na may jumper connection ang mag-asawang Javellana na nakakonekta sa kanilang water refilling station.
Kaagad namang nagpyansa ang mga ito ng kabuuang P144,000.