ILOILO CITY- Magsasampa ng kaso sa Ombusdman si Iloilo City Councilor Plaridel Nava laban sa Department of Public Works and Highways at sa kontraktor na International Builders Corporation dahil sa palpak na proyekto sa Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Councilor Nava, sinabi nito na kailangang may managot sa depektibong P680 million na Ungka flyover.
Ayon kay Nava, kapag napatunayang ang DPWH ang may pagkukulang kung kayat pumalpak ang proyekto, nararapat lamang na kaharapin nilan ang kaso kriminal at administratibo.
Kung kontraktor naman ang may pagkakamali,sa halip na i-award muli ang kontrata na nagkakahalaga ng P250M para sa rehabilitasyon ng flyover, dapat ay bayaran ng kontraktor ang penalties at damages.
Aniya, pangungunahan niya ang pagsasampa ng kaso dahil tila walang imik ang ibang mga opisyal.
Violation of Section 3 of Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act and Gross Neglect of Duty ang kasong isasampa ni Nava.