-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Sinimulan na ng technical working group ang “healing process” ng mga biktima ng investment scheme.

Sinabi ni Rebecca Magante ng City Social Welfare and development Office na ginamit nila ang community resilience model para sa counseling ng mga biktima ng investment scam.

Samantala, tiwala naman si Magante na makarekober ng mga biktima ang kanilang ipinasok sa pera nang lumahok sa investment scheme ng Kapa.

Nauna nang sinabi ni General Santos Mayor Ronnel Rivera na 95% ng mga empliyado ng kanilang lokal na pamahalaan ang sumali sa Kapa.