Sinimulan na ng Pilipinas ang isang taon na countdown para hosting ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.
Bilang bahagi ng paghahanda ay nagsagawa ng isang konsyerto ang sa Kalayaan Grounds ng MalacaƱang nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na ang “PH to Serve” ay isinagawa para ipamalas ang performance ng mga medalist ng World Championships of Performing Arts (WCOPA) Team Philippines.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady ang pagtanggap sa Alas Pilipinas ang national volleyball team ng bansa na kinabibilangan ng men’s at women’s team.
Gaganapin ang nasabing torneo mula Setyembre 12 hanggang 28, 2025 ang men’s World Championship na binubuo ng 32 koponan.
Mayroon ng automatic na qualifiers ang torneo ang Pilipinas bilang host country at ang Italy bilang defending champion.