-- Advertisements --

LAOAG CITY – Matagumpay na naisagawa ang counter-landing exercise ng Armed Forces of the Philippines at United States Armed Forces bilang bahagi ng Balikatan Exercises 2024 sa Brgy. Lapaz Sand Dunes dito sa lungsod ng Laoag sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon kay Col. Francel Margareth Padilla, ang tagapagsalita ng Armed of the Philippines, ay nag-deploy ng mga high-powered military assets tulad ng utmost 155 millimeters high powered howitzer, 105 howitzer army artillery regiment, 2 marine core 105 millimeters howitzer habang nag-deploy naman ang United States Armed Forces ng 2 howitzer, 5.56 caliber rifles, medium at heavy guns, 3 javelin anti-tank missiles at 3 MAAWS weapon system.

Ito aniya ay nagpapakita ng kakayahan ng dalawang pwersa na pigilan ang anumang banta sa seguridad sa bansa.

Kasama sa counter-landing exercise ang Philippine Army, 502nd Infantry Brigade, Philippine Army Corps 4th Marine Brigade, United States Army 3-7 Field Artillery, United States Marine Corps 3rd Combat Team at Maritime Defense Tactics.

Kaugnay nito, sinabi ni Col. Padilla na pinaghahandaan na nila ang maritime strike bukas, Mayo 8 kung saan muling lalahok ang Armed Forces of the Philippines at United States Armed Forces sa sinking exercises gamit ang BRP Caliraya AF-81 na gawa sa China.

Binigyang-diin niya na ang balikatan exercise ay hindi nagpapahiwatig ng paghahanda laban sa China.

Samantala, ito aniya ang ika-39 na balikatan exercise na isinagawa sa bansa kung saan taun-taon ay may iba’t ibang mga senaryo batay sa kontemporaryong mga hamon sa seguridad ng bansa.