-- Advertisements --
Pumanaw na ang unang African-American country singer na si Charley Pride sa edad 86.
Ayon sa kampo nito, nagkaranas ito ng kumplikasyon sa COVID-19.
Sumikat si Pride noong 1960.
Nagwagi siya ng tatlong Grammy Awards na sinundan ng lifetime achievement award noong 2017.
Isinilang noong 1934 sa Mississippi kung saan nanilbihan din siya sa army, naglaro ng baseball at nagtrabaho bilang hardinero bago pumasok sa pagkanta.
Nasa 52 na kanta nito ang umabot sa country Top 10 kabilang ng hits song na “All I Have to Offer You (Is Me)” at ang kantang “Kiss An Angel Good Morning”.
Isa ang singer na si Dolly Parton ang nagpaabot ng labis ng kalungkutans sa pagpanaw ng itinuturing niyang kaibigan.