-- Advertisements --

Nahaharap sa reklamong sexual assault at pananakit ang country music star na si Garth Brooks.

Base sa reklamo sa korte sa California ng hindi na nagpakilalang babae na nangyari umano ang insidente noong 2019.

Nagtrabaho umano ang biktima bilalng hairstylist at makeup artist para sa nasabing award-winning singer.

Ginahasa siya minsan ng singer habang sila ay nasa work trip.

Una ng mariing pinabulaanan ng singer ang nasabing alegasyon na ito sa kaniya ng dating trabahador.