NAGA CITY-Bigo ang tangkang kudeta sa Bolivia ng dating heneral nito na si Juan Jose Zuniga matapos na umatras mula sa presidential palace sa La Paz ang pwersang militar ng bansa at manawagan ng suporta ng publiko at ng iba pang mga nasyon si Bolivian President Luis Arce upang ipagtanggol ang kanilang demokrasya.
Ayon kay Arce, kailangan ng mga mamamayan ng Bolivia na i-organisa ang kanilang mga sarili laban sa kudeta at pabor sa demokrasya.
Dagdag pa nito, hindi pwedeng hayaan muli ang mga kudeta na kunin ang buhay ng mga taga-Bolivia.
Gumamit naman ng mga armored vehicles upang sirain ang pinto ng presidential palace sa La Paz.
Ayon kay Arce, ang kudeta na pinamunuan ni Zuniga ay nabigo, kung saan pinalitan naman ni Arce pagkatapos nito lahat ng hepe ng kanilang militar.
Nanawagan naman ang bagong hepe ng militar na si José Wilson Sánchez sa lahat ng na-mobilisang pwersa na bumalik sa kanilang mga unit.