Mariing pinabulaanan ni Albay Rep. Joey Salceda ang posibilidad na magkaroon ng coup d’etat sa pagbubukas ng 18th Congress bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.
Sinab ni Salceda na may suhestiyon nang ibinigay si Pangulong Duterte kaugnay ng speakership race kaya inaasahan nito na ito na rin ang siyang sussundin ng karamihan sa mga kapwa niya kongresista.
Dahil dito, nakikita raw niyang hindi magtatagumpay ang banta ng pagkakaroon ng coup d’etat sa speakership post sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Samantala, sinabi naman ni Anak Kalusugan party-list Rep. Mike Defensor na nirerespeto ng mga kongresista ang endorsement ng Pangulo kina Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.