-- Advertisements --
Tiniyak ng lider ng coup na nagpatalsik kay President Alpha Conde ng Guinea na sila ay bubuo ng bagong gobyerno sa mga susunod na linggo.
Sinabi ni Col. Mamady Doumbouya na hindi nila pag-iinitan ang mga dating opisyal.
Mananatili naman sa kulungan si Pres. Conde kung saan hindi pa aniya tiyak ang kaniyang kapalaran.
Panawagan din nito sa mga opisyal na bago umalis sa kanilang puwesto ay dapat ipasakamay nila ang kanilang sasakyan sa militar.
Nauna ng kinondena ng United Nations at African Union ang ginawa ng grupo.
Magugunitang inagaw ng grupo ni Col. Doumbouya ang kapangyarihan sa Guinea dahil sa talamak umano na korapsyon.