-- Advertisements --

ILOILO CITY – Binasura ng Court of Appeals ang naunang desisyon ng Office of the Ombudsman kaugnay sa umano’y ill-gotten wealth ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog .

Ang kasong pandarambong ay isinampa ni dating Iloilo Provincial Administrator at senate whistleblower na si Manuel Mejorada.

Kinuwestyon ni Mejorada ang pagtaas ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), ni Mabilog mula 2012 na P59.4 million at naging P68.3 million noong 2013.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay former Iloilo City First Lady Maria Victoria Mabilog, sinabi nito na ayon sa kanilang natanggap na notice of decision, napatunayan na karamihan sa SALN ng kanyang mister ay mula sa kanyang income bilang certified public accountant at corporate comptroller sa Canada.

Nagpapasalamat naman si Mrs. Mabilog, na lumabas ang desisyon sa panahon mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapatunay na hindi niluto ang kaso.