-- Advertisements --
image 221

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon na i-dismiss ang search warrant na inilabas laban sa red-tagged journalist na si Lady Ann Salem at union organizer na si Rodrigo Esparago.

Ang desisyon ng Court of Appeals na ipinahayag noong Enero 27 ay nagsabing ibinasura nito ang petisyon ng gobyerno para sa certiorari at pinagtibay ang mga utos ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) na ibasura ang mga search warrant.

Binanggit nito ang mga hindi pagkakapare-pareho at mga kontradiksyon sa mga testimonya sa kaso, na nagsasabing ang desisyon ng Regional Trial Court ay wasto at makatarungan.

Sina Salem at Esparago ay inaresto noong Disyembre 2020 dahil sa diumano’y sangkot sa gun-running matapos makakita ang mga awtoridad ng mga baril habang ipinapatupad ang raid.

Itinuro din ng Court of Appeals na ang pagkuha ng mga bagay na hindi binanggit sa search warrant ay isang paglabag sa pangunahing karapatan ng mga pribadong respondent laban sa hindi makatwirang mga paghahanap at pagsamsam ng mga ito.

Kung matatandaan, noong Ferbuary 2021, binasura ng Mandaluyong Regional Trial Court ang search warrant, at idineklara ang mga iligal na nasamsam na baril bilang inadmissible.

Top