Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Taguig court na naghatol na sa 7 miyembro ng Abu Sayyaf terrorist group na guilty para sa kaso ng pagpatay sa umano’y asset ng militar noong 2007.
Batay sa 26 pahinang desisyon ng CA Seventh Division, pinagtibay nito na may modification ang desisyon ng Taguig court na naghatol kay Omar Ibno, Hiya Hapipuddin, Muadzi Jala, Najer Daud, Omar Panagas, at Ibrahim Misuari ng reclusion perpetua at walang inererekomendang parole .
Kaugnay nito ay ipinag-utos ng korte sa mga convict na bayaran ang mga tagapagmana ni Jemar Bairulla ng P50,000 bilang temperate damages, P100,000 sa civil indemnity, P100,000 bilang moral damages, at P100,000 bilang exemplary damages na may interest rate na 6% kada taon .
Ayon sa CA, ang mga iprinisentang ebuidensya ng prosekusyon sapat para patunayang guilty ang mga respondents.
Idinagdag pa nito na nabigo ang depensa na pabulaanan ang ebidensya ng prosekusyon.
Kung maaalala, noong August 2007 ang pito ay inakusahan ng pakikipagsabwatan sa isa’t isa para atakihin at paulit-ulit na barilin si Bairulla, na bahagi rin noon ng grupong Abu Sayyaf.