-- Advertisements --

Ibinasura ng Court of Arbitration for Sport (CAS) ang apela ng Russia sa suspension sa kanilang ng International Olympic Committee (IOC).

Sinuspendi kasi ng IOC ang Russian Olympic Committee (ROC) noong Oktubre ng nakaraang taon dahil sa paglabag sa territorial integrity ng membership ng Ukraine at iligal na inaangkin nila na teritoryo nila ito.

Ayon sa CAS na walang nilabag ang iOC sa legality, equlity, predictability o proportionality ng Russia.

Bagamat final at binding na ang desisyon ng CAS panel ay maari pa rin iapela ng Russia sa Swiss Federal Tribunal ang kaso sa loob ng 30 araw.

Una ng sinabi ng ROC na ang suspension ay isang counterproductive at may halong pamumulitika.

Noong Nobyembre 6, 2023 ng inapela ng ROC ang suspension sa CAS.