-- Advertisements --

Hindi pa rin tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang courtesy resignation ng ilang opisyal ng PhilHealth.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ang sabi raw sa kanya ni Executive Sec. Salvador Medialdea ay mananatili muna sa kanikanilang mga posisyon ang mga opisyal ng PhilHealth na ito hanggang sa mayroon nang official acceptance mula kay Pangulong Duterte.

Habang hinihintay ang pormal na pagtanggap ng Punong Ehekutibo sa kanilang courtesy resignation, sinabi ni Duque na magkakaroon daw muna ng transition planning.

Iginiit ng kalihim na hindi basta-basta maaring iwanan ang puwesto ng mga nag-resign na mga opisyal ng PhilHealth dahil tiyak na maaantala ang serbisyo ng ahensya.

Noong Lunes lang, hiniling ni Pangulong Duterte kina PhilHealth president Roy Ferrer at board members nito na magsumite ng courtesy resignation sa gitna ng mga alegasyon hinggil sa mga ghost kidney treatments.