Courtesy resignations ng 11 officials, patuloy na hinintay ng Philippine National Police
Hinihintay pa ng Philippine National Police (PNP) ang courtesy resignation ng 11 ranking officials na halos isang linggo bago ang deadline sa Enero 31.
Nauna nang nanawagan ang Department of the Interior and Local Government sa mga matataas na opisyal ng pulisya na magsumite ng kanilang courtesy resignation sa layuning alisin ang mga opisyal na umano’y konektado sa illegal drug trade.
Sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na hinihintay nila ang pagsusumite ng courtesy resignations mula sa walong police colonels at tatlong police brigadier generals.
Nitong nakaraang Biyernes, sinabi ni Azurin na ang PNP’s Directorate for Personnel and Records Managements Discipline, Law and Order Division ay nakatanggap ng courtesy resignation ng 942 na matataas na opisyal ng PNP.
Mayroong 953 third level police officials.
Kung ang mga natitirang opisyal ay hindi magsumite ng kanilang mga courtesy resignation, titingnan at pag-aaralan ng PNP kung sangkot ang mga ito sa illegal drug activities.
Tiniyak nito na hindi lang ang five-man committee ang mag-iimbestiga sa kanila.