Inaasahan umano ni Golden State warriors big man DeMarcus Cousins na makakabalik itong muli sa hardcourt ngayong season makaraang magtamo ng injury.
Matatandaang napunit nang bahagya ang quadriceps muscle ni Cousins noong first quarter ng Game 2 ng first-round series ng Golden State at Los Angeles Clippers noong Abril 15.
Noong sumunod na araw nang ianunsyo ng Warriors na batay sa MRI exam, napunit ang kaliwang quadriceps muscle ng 6-foot-10 big man.
Ayon kay Cousins, nakikita raw nito ang isang “very nice ending” sa kampanya ng NBA defending champions sa 2018-19 season.
“For me, my goal is I ain’t planning on sitting,” ani Cousins. “I don’t know the reality of it. But for me, that is not what I’m planning on doing…It’s definitely some type of bad movie. But I think it will have a very nice ending. Just wait for it.”
Bagama’t sinabi ng Warriors noon na malabo umanong makabalik si Cousins ngayong season, umaasa si Warriors coach Steve Kerr na magiging mabilis ang paggaling ni Cousins.
Naglista ng average na 16.3 points, 8.2 rebounds at 3.6 assists per game si Cousins sa kanyang 30 regular-season games para sa Golden State.