Handa umano si DeMarcus Cousins na palawigin ang kanyang playing time para sa Golden State Warriors sa nalalabing mga laro ng NBA Finals.
Ito’y kahit wala pa sa kanyang top form ang 6-foot-11 big man dahil sa kagagaling pa lamang nito sa rehabilitasyon mula sa napunit nitong quadriceps muscle noong first round ng playoffs.
Ayon kay Cousins, sakaling ito umano ang ibigay na workload sa kanya ng team ay wala raw itong problema sa kanya.
“This is what I’ve worked for my entire career, to be on this stage, to have this opportunity to play for something. But once they told me I had a chance, a slight chance, of being able to return, it basically was up to me and the work and the time I put in behind the injury. It was up to me. So I put the work in,” wika ni Cousins.
Namemeligro rin kasing hindi makalaro si Golden State swingman Klay Thompson dahil sa dinaranas nitong mild left hamstring strain.
Maliban din kay Kevin Durant na kuwestiyunable pa para sa Game 3, itsapwera na rin sa buong serye ng NBA finals si Kevon Looney dahil sa natamo nitong calf injury.