-- Advertisements --
Inanunsiyo ng American biotechnology company na Novavax na mayroong kabuuang 90.4% efficacy ang kanilang bakuna.
Ito ay base sa lumabas na resulta sa phase 3 trial na isinagawa sa US at Mexico.
Sinabi ni Dr. Gregory Glenn, pangulo ng research and development ng Novavax na gaya ng phase 3 trial result sa United Kingdom ay parehas din ang resulta nito sa US.
Isinagawa ang pag-aaral noong Disyembre na mayroong 29,960 adults mula sa 113 sites sa US at anim na lugar sa Mexico.
Binigyan ng placebo ang mga participants at dalawang doses ng Novavax na may pagitan ng 21 araw.