-- Advertisements --
Inaprubahan na ng GAVI vaccine alliance’s board ang $150 million na pondo para matulungan ang 92 na low and middle income na bansa sa paggawa ng bakuna laban sa coronavirus.
Ang inisyal na pondo ay para makatulong sa COVAX facility sa kanilang operational level at matiyak ang routine immunization programs sa mga karapat-dapat na mga bansa.
Umaabot na sa 168 na bansa ang sumali kasi sa COVAX global vaccine facility na pinangunahan ng GAVI at World Health Organization (WHO).
Kabilang dito ang 76 na mayaman o mga self-financing countries.
Target ng COVAX na makagawa ng 2 bilyon na bakuna laban sa COVID-19 sa katapusan ng 2021.