-- Advertisements --

Tinatanggap ng gobyerno ang alok ng COVAX facility na mag-donate ng isang milyong dosis ng mga monovalent na bakuna na nagta-target sa variant ng Omicron XBB.

Ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa, ito ay magiging dalawang tranches na 500,000 bawat isa.

Matatndaaan na una nang sinabi ni Herbosa na ang bakuna ngayon ay hindi na kailangan ng general public dahil marami na ang nabakunahan.

Ang mga makakatanggap ng mga monovalent na XBB vaccines ay ang mga vulnerable population – mga senior citizen at mga taong may comorbidities.

Aniya, ang mga bakuna sa COVID-19 ay hindi na sakop sa ilalim ng budget ng DOH.

Una na rito, may kabuuang 74 milyong mga tao na ang nabakunahan sa first dosis at booster.