-- Advertisements --
Nangangailangan pa ng hanggang $2 bilyon ang COVAX global vaccine-sharing program bilang karagdagang pondo sa buwan ng Hunyo.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang pondo ay para mapabilis ang vaccination program sa mga mahihirap na bansa.
Kabilang dito ang Gavi alliance na dapat madagdagan ang supplies sa Hunyo.
Kailangan din ang tulong ng mga local government units para makakuha ng karagdagan doses ng COVID-19 vaccines.
Aabot naman sa 70 milyon doses ng bakuna ang naipamahagi ng COVAX sa 126 na bansa pero kulang pa rin sila ng 190 milyon doses hanggang sa katapusan ng Hunyo.