-- Advertisements --

Humiling ang COVAX scheme ng karagdagang $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa.

Sinabi ni Gavi vaccine alliance chief Seth Berkley na ito ang kailangan nilang pondo para mabigyan ng bakuna ang mga mahihirap na bansa sa susunod na tatlong buwan.

Naabot kasi ng Covax ang bilyon na bilang ng bakuna ang naibigay sa mga bansa noong nakaraang taon matapos na tumaas ang demand ng bakuna noong Nobyembre at Disyembre.

Kasama kasi ng Gavi ang World Health Organization (WHO) na nangunguna sa COVAX scheme.