-- Advertisements --

Dumating na sa bansang Ghana ang World Health Organization (WHO) vaccine programme na COVAX.

Ang Ghana ang siyang unang bansa na nakatanggap ng vaccine programme ng WHO.

Aabot a sa 600,000 doses na bakuna na gawa ng AstraZeneca at Oxford University at ang Serum Institute na gawa ng India ang dumating na sa Accra ang capital ng Ghana.

Sisimulan ng bansa ang malawakang pagbabakuna sa susunod na linggo.

Prioridad na babakunahan ang mga health workers, mga taong nasa edad 60, mga taong may problema sa kalusugan at ang mga senior officials.

Aabot na kasi sa 80,700 ang kaso ng COVID-19 sa Ghana kung saan 580 na ang nasawi.