-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 100,000 ang nasawi matapos dapuan ng coronavirus sa bansang Brazil.
Nananatili ang bansa sa pangalawang mayroong pinakamaraming kaso ng nadapuan ng COVID-19.
Noong nakaraang tatlong buwan ay mayroong 50,000 na ang nasawi at nadoble ito sa loob lamang ng 50 araw.
Magugunitang nadapuan ng COVID-19 ang pangulo ng Brazil na si Jair Bolsonaro na makailang beses ng minaliit ang ginagawang hakbang ng gobyerno para mapababa ang kaso ng COVID-19.
Sa pinakahuling bilang ay mayroong mahigit 100,400 na ang nasawi at mahigi 3 milyon na ang kaso.