Pumalo na ngayon sa 20,031 ang mga pasyenteng gumaling mula sa sakit na coronavirus disease(COVID-19) sa buong Central Visayas base sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon, Octobre 28.
Sa 22, 256 na kabuuang bilang ng kaso sa rehiyon, 1,337 nito ang naitalang namatay.
Samantala, umabot na sa 9,390 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa Cebu City habang 678 na ang mga namatay.
Labing-apat na panibagong kaso naman ang naidagdag dahilan na nasa 10, 247 na ang total cases nitong lungsod kung saan 179 na lang ang aktibo nito.
Maliban pa, umabot na sa 2,552 ang total cases sa Mandaue City ; 2,458 sa Lapu-lapu City; Probinsiya ng Cebu, 6, 229; Negros Oriental, 281; Bohol, 480; at 9 sa Siquijor.
Sa ngayon, nasa 888 na lang ang aktibong kaso ng rehiyon 7.